Monday, 5 September 2016

Ang Kaibigan kong Matalik na kalaban - Chapter 1 (Ang Pakikita)

Nakatakdang lumipad pabalik ng pilipinas si Raphael pagkatapus ng kanyang graduation sa kolehiyo. Sya ay nag tapus sa kursong Business Management sa isang kilalang skwelahan sa New York. Halos labingsiyam na oras ang ginugol nya sa byahe mula sa New York papuntang Pilipinas. Sa Ninoy Aquino Internation Airport sya lalanding at nag pasya na magpahinga muna sa isang Hotel sa Maynila. Kinabukasan ay nag byahe naman sya papuntang General Santos City kung saan sya pinanganak.

Naghanda ang lahat sa kanyang pagdating, sinalubong din sya ng isang banda. Nagalak ang lahat sa pagdating ng senyureto ng kanila lugar. Ang Kanyang Ama ay isang negosyate at nag mamay-ari ng  malawak na lupain. Sa halip na mag saya sa pagdiriwang, sumagi sa kanyang isipan na hanapin ang kanyang kaibigan na matagal nyang hindi nakakausap. Pumunta sya sa bahay ng kanyang kaibigan ngunit nalaman nya sa mga magulang nito na pumunta sya sa Maynila para makipagsapalaran upang makapagtapus sa pag-aaral.

Naghanap sya ng paraan para makontak ang kanyang kaibigan na si Jake. Ang kanyang Matalik na kaibigan na utang nya ang kanyan buhay dito. Napatingin sa malayo at malalim ang kanya iniisip dahil naalala nya noong labing-dalawang taong gulang pa lamang sila at naglalaro sa Ilog. Naalala nya sa panahong yun ay malapit na syang malunod dahil natapisok ang kanyan paa at nahulog ito sa tubig. Hindi sya marunong lumangoy ngunit sinagip sya ni Jake dahil bihasa itong sa paglangoy. Si Jake ay mahilig manghuli ng isda sa ilong para may ulam sila pag uwi sa kanilang bahay. Maya't maya, di umanoy napatingin sya sa kanyang cellphone at naisipan nya na baka mahanap nya sa facebook si Jake. Maya’t Maya ay nahanap nga nya ang ang pangalan ng kanyang kaibigan. Nag friend request sya nito at lumipas ang ilang minuto ay nakita nya sa notification nya na request accepted na. Nakipag chat sya at nagkamustahan silang dalawa.

Nalaman nya na nag aaral si Jake sa gabi at sa umaga naman ay nagtatrabaho sya sa isang restaurant bilang isang waiter. Isang taon nalang at mag tatapus na din ito sa kolehiyo sa kursong Business Administration. Matalino at masipag kasi si Jake kaya hindi na nag taka si Raphael na makakapagtapus din si jake sa kolehiyo sa kabila ng kahirapan ng kanilang buhay.

Pagkatapus ng isang taon, nakapag tapus na rin si Jake sa kolehiyo. Pagkatapus ng kanyang graduation ay umuwi sya sa General Santos City. Bandang Alas dose ng tanghali nakatakda ang kanyang byahe sa eroplano papuntang General Santos City. Bandang Alas una ng hapun ay nabalitaan nalang sa telebisyon ni Raphael na may isang eroplanong kumaripas pabagsak. Ang nasabing eroplano ay ang sinasakyan ni Jake papuntang General Santos City.

Dali-daling umalis ng bahay si Raphael papunta sa bahay ng mga magulang ni Jake para ibalita ang nangyari. Nagulat ang mga ito at hindi malaman kung anu ang gagawin. Bumalik si Raphael sa kanilang bahay at naghanap ng impormasyon tungkol sa nangyari. Nag research sya sa internet at nalaman nya doon na may 84 na narescue at dinala sa malapit na ospital sa pinangyarihan.  Samantala 19 na pasahero ang nawawala at 75 ang naitalang patay. Inalam ni Raphael ang ospital na pinagdalhan ng mga na rescue na mga pasahero dahil sa pag-aakalang buhay pa ang kanyang kaibigan.

Nang nalaman ni Raphael ang ospital na pinag dalhan, dali dali itong bumalik sa bahay ng mga magulang ni Jake para isama ang mga ito sa paghahanap. Pagdating sa ospital ay tumungo sila agad sa Information Service ng ospital para hanapin ang pangalan ni Jake ngunit wala silang makuha na impormasyon sapagkat walang dala na mga papeles bilang pagkakilanlan sa mga pasyenteng dinala galing sa trahedya ng eroplano. Inisa-isa nilang ang bawat pasyente para hanapin si Jake. Nahanap nila ito ngunit hindi pa masyadong makapagsalita. Nabali ang paa nito at kailangan na ma semento. Tinatayang dalawang daang libu para sa operasyon. Nanlupaypay ang mga magulang ni Jake sa nalaman na ganun ka laking pera ang kailanganin nila para sa operasyon.

Naisipan ni Raphael na pahiramin muna nya ang kanyang kaibigan ng pera at bayaran nito kapag nakapag tranaho na. Hindi nya rin matiis ang kanyang kaibigan sapagkat utang nya ang buhay nya rito. makalipas ang dalawang buwan mula noong operasyon ni Jake ay naisipan nya na mag hanap ng trabaho. Magaling na din ang kanyang mga paa, nagagalaw nya na ng maayos. Sinabi nya rin kay Raphael ang kanyang plano na mag hanap ng trabaho para kahit papaano ay magagamit nya rin ang kanyang napag-aralan at unti-unti din sya makakabayad sa kanya utang kay Raphael.

Nang nalaman ni Raphael ang balak ni Jake na maghanap ng trabaho ay inalok nya ito para mag trabaho sa kanilang kumpanya. Naisipan nya na pwede itong ilagay sa posisyon na Administrative Officer sa kumpaya nilang Real Estate. Isa sa negosyo ng pamilya nya na pinapaubaya na sa kanya ng kanyang Ama. Tuwang-tuwa si Jake sa sinabi ni Raphael na kunin ito bilang Administrative Officer sa kanyang kumpanya. Inaya nya rin si Jake para mag inuman upang makapag kwentuhan naman silang dalawa. Habang nag iinuman ay nag tuksuhan ang dalawa tungkol sa kanilang karanasan noong Labing dalawang taong gulang palang sila.

END OF FIRST CHAPTER
Thank you for Reading... Please wait for the update of SECOND CHAPTER..see yaahh

No comments:

Post a Comment