Umiiyak si Gina sa labas ng bahay dahil napaglitan naman sya
ng kanyang tiyahen. Simula nang namatay ang kanyang Ama ay walang araw na hindi
sya umiiyak. Maagang namatay ang kanyang Ama dahil may sakit ito sa puso.
Naubos ang naipundar nila dahil sa pagpapagamot sa kanyang Ama. Napilitang
mangibang bayan ang kanya Ina para maka ahon sila sa problemang nakatambak sa
kanila. Bukod kasi sa naubos ang kanilang ari-arian, nalubog din sila sa utang.
Dahil sa stress, hindi kinaya ng kanyang ina ang trabaho sa ibang bansa kung
kayat umuwi ito sa pilipinas. Nagkasakit ito ng malubha dahil sa pangungulila
nito sa kanyang asawa. Hindi kumakain at wala lagi sa sarili.Kalaunan ay
namatay din ang kanyang ina dahil sa kakulangan sa tulog at ayaw din kumain.
Sa kanyang tiyahen sya tumira, kapatid ng kanyang Ama na ubod ng sama ng ugali. Halos araw-araw ay malupit ito sa kanya. Hindi sya pwedeng makapag pahinga kundi ikukulong sya sa kwarto ng buong araw. Sa kabila ng kahigpitan ng kanyang tiyahen sa kanya ay pinagpapaaral naman sya nito. Nakapagtapus sya sa sekondarya dahil sa kanyang tiyahen. kasalukuyang nag-aaral din sya sa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management. Isang taon nalang ay mag tatapus na din sya sa kolehiyo.
Maganda si Gina kung kaya’t marami din ang nanliligaw sa kanya ngunit hindi nya ito binibigyan ng pansin sapagkat ang nasa isip nya ay kailangan nya munang magtapus sa pag-aaral. Ngunit sadyang mapagbiro talaga si kupido. May isang lalaking nakapag-patibok ng kanyang puso. Si Jerry, isang masigasig na manliligaw nya na kahit ilang beses nya na binasted ay hindi parin ito tumitigil sa panliligaw . Handa daw itong mag hintay at kahit kaibigan muna ay tatanggapin nya. Mabait at gwapo din si Jerry kung kayat kalaunan ay unti-unti din syang nagkagusto sa binata.
Isang araw, hindi nya napigilan ang kanyang sarili at na-ipagtapat nya kay Jerry na may gusto na rin sya sa binata. Ngunit humingi sya ng pabor, at yun ay wag muna ipagsabi ang kanilang relasyon sapagkat napakahigpit ng kanyang tiyahen. Ayaw din nya na isipin ng kanyang tiyahen na naglalandi sya na sa halip ay pag-aaral ang atupagin nya. Umayon naman ang binata sa pabor na hiningi ni Gina. Nagkikita sila ng palihim tuwing may pasok. Maganda ang takbo ng relasyon nila dahil pareho silang mapagkumbaba.
Makalipas ang isang taon, dumating na rin ang araw na pinakakahintay nya. Yun ay ang magmamartsa sya sa stage na may tugang suot na kulay itim. Hindi nya mapigilang mapaluha at nilapitan ang kanyang tiyahen sabay nagpasalamat sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Ang akala nya ay matatapus na ang kanyang paghihirap sa kanyang tiyahen. Yun pala ay umpisa palamang ng kalbaryo ng kanyang buhay. Hindi sya pwedeng umalis sa puder ng kanyang tyahen hanggat hindi pa sya pinapayagan na umalis.
Dahil dito, napilitan sya na sundin ang kagustuhan ng kanyang tiyahen. Halos walang pinagkaiba ang higpit ng kanyang tiyahen sa kanya noong nag aaral pa lamang sya at ngayun na nag tatrabaho na sya. Pag-uwi nya ay sya parin gagawa ng gawaing bahay. Hindi rin sya pwedeng makipag relasyon muna sa mga lalaki hanggat hindi pumapayag ang tyahen nya. Kayat patuloy ang palihim na relasyon nilang dalawa ni Jerry.
Isang araw, nakipagkita si Gina sa kanyang palimhin na kasintahan na si Jerry. Hindi nya akalain na may supresa pala sa kanya ang binata. Biglang nag lumohod ito sa kanyang harapan sabay hugot sa bulsa. Binuksan ng binata ang kahon na may singsing sabay sabing
“Gina, Will you Marry me?”, Nagulat si Gina sa sinabi ni Jerry. Halos napatulala ito at matagal ang pag sagot. Naisip nya kasi na hindi pa papayag ang kanyang tiyahen. Ngunit nangibabaw parin ang tuwa nya at naisipang suwayin ang kanyang tiyahen.
“Nasa tamang edad na ako, Nakapagtapus na rin ako ng pag-aaral at may trabaho na rin ako. Siguro panahon naman na ako ang masusunod sa gusto ko.”, bulong ng dalaga sa sarili. Tinanggap ni Gina ang alok ni Jerry. Tuwang tuwa ang binata at nag plano na sabihin ito sa tyahen ni Gina.
Kinabukasan ay nagkita ang dalawa para magpapalam sa tiyahen tungkol sa plano nilang magpapakasal. Pagdating sa bahay ng kanyang tiyahen ay walang pag alinlangan na sinabi ng dalawa ang plano nila. Nagalit at tyahen dahil hindi pa nya gustong mag-asawa si Gina.
“Hoy malandi kang babae ka, hindi ka pa nakapag bayad ng Utang na loob sa lahat ng ginawa ko sayo. Kaya hindi kita papayagang mag-aasawa hanggat hindi ko sinasabi”, Galit na galit na pagtataray ng kanyang tiyahen.
“Tiya, maawa naman po kayu, pagod na po ako. Gusto ko na pong magsarili” , sabi ng dalaga habang umiiyak.
“Hindi pwede! Ikaw lalaki lumayas kana at wag ka na magpapakita sa malandi na to. Kapag hindi ka pa umalis, ipapabugbog kita sa mga tambay dyan sa kanto”. Sabi ng tiyahen na sumisigaw.
Bigla naman umalis ang binata na hindi nagpapa-alam. Habang nag lalakad si Jerry pauwi, nag iisip ito kung papaano nya mababawi si Gina sa tyahen nyang demonyeta. Naisipan nyang itanan ang dalaga, tinawagan nya ito sa cellphone ngunit ang tiyahen nito ang nakasagot. Bigla nyang binaba ang tawag. Inisip nya na puntahan si Gina sa hating gabi upang itanan ito ng palihim. Nagtagumpay naman ang dalawa at pansamantalang natulog silang dalawa sa bahay ng kaibigan ni Jerry. Kinabukasan ay lumuwas ng maynila ang dalawa at nakitira muna sa tiyuhin ni Jerry habang nag hahanap sila ng matutuluyan. Nakahanap din ng trabaho ang magkasintahan dahil pareho itong nakapagtapus sa pag-aaral. Nag pakasal din silang dalawa, biniyayaan ng dalawang makululit na anak at namuhay na masaya.